Monday, July 24, 2006

Ano Na Naman Yan

Galit ka na naman. Hindi mo na naman hinaharap ang mga problema mo. Masama ang loob mo. Pero di mo sinasabi. Masaya ka pa ba sa buhay mo? May hinahanap ka ba? May gusto ka pa ba sa buhay mo? May inaasahan ka pa ba? O nagpapadala ka na lang sa agos ng buhay? Hinahayaan mo na lang ba na tangayin ka ng alon? O lalaban ka at lalangoy?
Bakit parang nakapako ang mga paa mo sa kinalalagyan mo? Bakit di mo pa iwan ang dapat mong iwan? Nakakadena ka ba? Ano ba ang pumipigil sa'yo? Ano pa ba ang hinihintay mo? Wala ka mapapala sa pag hihintay. Nag hihintay ka ba na magkatotoo ang pangarap mo? Kung yun ang hinihintay mo, imposible yun, dahil hindi ikaw ang may hawak ng pangarap na iyon. Mas maigi pa na umalis ka na lang, tanggalin mo na ang kadena mo, at hanapin ang totoo mong pangarap.
Mahirap sa umpisa, pero kailangan mong gawin. Kung di ngayon, kailan pa? Umpisahan mo na ang bagong buhay mo. Lumingon paminsan minsan sa nakaraan, para di malimutan ang mga pagkakamali. Matuto sa buhay. Bumangon ka, dahil di ka makakatayo kung di ikaw ang magtatayo sa sarili mo. Tumakbo ka ng mabilis. Habulin mo ang gusto mo. Habulin mo ang totoo mong pangarap.

No comments: