ang tunay na ako
gusto ko umiyak, ng malakas na malakas, gaya ng sa sanggol o sa batang paslit. gusto ko isigaw ang galit ko sa buong mundo. gusto ko mawala ang sakit at pait ng nakaraan. gusto ko ng bagong buhay. gusto ko ng panibagong pag asa, dahil namatay na ang dati kong pag asa. nawawala ko. wala yatang pupuntahan. walang babalikan. wala ng mga alaalang iisipin.
ako ang dapat gumawa ng sarili kong kinabukasan. di ko hihintayin ang ibibigay ng panahon. walang hihintayin, walang babalik - tanawan. gaano man kahirap, babangon ako. di kakalimutan ang nakaraan, para di na magkamaling muli.
nasasaktan ako, sobra sobra. paulit ulit. pero ito ang tadhanang pinili ko. hanggang dito na lang ang kaya ko. lumaban ko, ginawa ang lahat. pero, bigo pa din ako. tinatanggap ko na ang aking pagkabigo. di ko pala kaya lahat. di ko pala kaya magwagi sa lahat.
sa iyo, ang dahilan ng pagkabigo ko, ang dahilan ng mga luha ko, di ko hihilingin na maging masama ang kapalaran mo, hangad ko pa din ang lahat ng maganda at maigi para sa iyo. salamat sa pag kakataon. salamat sa mga alaalang pipilitin kong ibaon sa limot. salamat sa mga bagay na nagpasaya, nagpalungkot at nagpaiyak sa akin. salamat sa iyo.
tapos na. hanggang dito na lang. wala akong lakas sa ngayon, pero babalik din ang dating kong ngiti, ang dating kinang ng mga mata ko. babalik din ang dating ako. mas malakas. mas matalino. babalik din ang dating sigla ko. magbabalik din ang tunay na ako.