Tuesday, October 16, 2007

Patience

THIS IS MY PRAYER WHEN MY PATIENCE IS BEING TESTED:
God, grant me the Serenity to accept the people I cannot change, the Courage to change the one I can, and the Wisdom to know it's ME.

Super tinetest talaga ang patience ko, nalulungkot nga ako kasi I know that it is not me. Super patient talaga ako, LALO NA SA MGA FRIENDS KO, many can attest to that. Yung normal na tao ay maghuhurumintado na sa asar at galit, ako, I'll take it as a joke pa. Ganun ako kapatient sa mga KAIBIGAN ko. Pero ngayon, feeling ko, umaabot na ako sa limit ko. I just don't think a friend should try to test another friend's patience, that's so "un-friend-like". Nakakafrustrate lang kasi sinusubukan niya talaga ang patience ko. Eh kung ako kaya ang gumanun sa kanya, subukan ko kaya ang patience nya? Ano kaya ang mafi-feel niya? May attitude problem nga lang siguro siya, ginagawa ko talaga ang lahat para intindihin siya. Pero sa sobrang dami ng ginagawa at iniisip ko ngayon, masama ba na hilingin na huwag naman niya subukin ang pasensya ko? Na huwag muna siya umarte gaya ng inaarte niya ngayon? Hindi ko hinihingi na magbago siya. Pero huwag muna niya ako subukan ngayon. Dahil naiinis na talaga ako, at mapupuno na talaga ako.

No comments: