Wednesday, March 09, 2005

Bilangin Natin Ang Minsan

Minsan, gusto mo nang seryosohin ang buhay, pero minsan, ikaw naman ang di sineseryoso ng buhay..

Minsan, akala mo, nakahanap ka na ng taong para sa iyo, pero minsan, joke time lang pala..

Minsan, cute siya, pero minsan, hindi.. At hindi mo maipaliwanag kung bakit..

Minsan, masaya ka kapag kasama mo sha, pero minsan, malungkot, dahil alam mong hindi pwede..

Minsan, emote ka, pero minsan, nageemote emote-an ka lang..

Minsan, aayaw ka na, pero pag gising mo sa susunod na araw, alam mong sya pa din ang hinahanap hanap mo..

Kung ganito kadami ang minsan, sana maging madalas na lang ang minsan..

Yun lang.. Kaya nga minsan lang eh..

1 comment:

Mang Dencio said...

that's why there's the question gaano kadalas ang minsan? but really, gaano nga ba talaga kadalas ang minsan??

hhhmmmm...